^

Probinsiya

Binata, wakwak ang dibdib sa taga ng kaaway

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang binata matapos pagtatagain ng kanyang kaalitan na ikinawakwak ng kanyang dibdib ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang nakilala sa alias “Randy”, binata, residente ng nasabing lugar.

Arestado naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya na tinukoy lang sa alias Espinosa na kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:45 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek. Nauwi pa ito sa kanilang pagsusuntukan at nang maawat, umuwi ang biktima at nagsumbong sa kaniyang kuya.

Bumalik sa lugar ang magkapatid upang komprontahin ang suspek subalit paglabas nito ay armado na ng itak at agad na inunda­yan ng taga ang biktima sa dibdib.

Nawakwak ang  dibdib ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang suspek pero agad ring naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya.

vuukle comment

ESPINOSA

RANDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with