^

Probinsiya

Driver natagpuang patay sa minamanehong trak

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines — Natagpuang wala ng buhay sa kanyang minamanehong trak ang isang lalaki sa Roman Highway, Barangay Batangas Dos, Mariveles sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng kanyang pahinante ang biktima na si Joel Raymundo, 52 anyos residente ng Barangay Sto Niño, San Simon Pampanga.

Kaagad namang na­kipag-ugnayan ang kasamahan ng biktima sa mga otoridad at ipinagbigay alam ang insidente.

Ayon sa ulat, nakita pa sa kuha ng CCTV camera ang biktima na bumaba sa kanyang minamanehong truck at mistulang may iniindang karamdaman.

Napag-alaman naman mula sa kaanak ng biktima na sumasailalim ito sa gamutan para sa sakit ng dibdib at tiyan.

Dumating din ang SOCO operatives sa lugar upang imbestigahan kung mayroong naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

JOJO

RAYMUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with