Driver, timbog sa mga baril at droga
CAVITE, Philippines — Arestado ang isang driver makaraang mahulihan ng mga baril at mga drug paraphernalia sa ikinasang search warrant operation ng pulisya kahapon sa Brgy. Dagatan, bayan ng Amadeo, dito sa lalawigan.
Kinilala ang suspek na si Joel Bautista Baybay, 48-anyos, may asawa, at residente ng 063 Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.
Sa ulat sa pulisya, alas-8 ng umaga nang ilatag ng Amadeo Police ang search warrant na inisyu ni Judge Gian Enrico C Navarro, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 133, Tagaytay City, Cavite.
Narekober sa suspek ang isang Armscor M1911A1 caliber 45 pistol, isang magazine na may lamang anim na piraso ng bala ng caliber 45, isang caliber .22 na walang serial number at isang magazine nito at isang digital weighing scale na gamit sa pagbebenta ng droga.
Nahaharap sa mga kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition and Violation of Section 12 of RA 9165 ang suspek.
- Latest