^

Probinsiya

Lider ng gun-for-hire, todas sa shootout!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lider ng gun-for-hire, todas sa shootout!
Sa inisyal na report ng pulisya, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 8 sa dalawang kasong murder laban sa suspek na si Carlito Magbutay alyas “Alas” nang kumasa sa mga alagad ng batas.
STAR/ File

Utak sa pagpatay sa 2 tao sa Calbayog

MANILA, Philippines — Patay ang kilabot na lider ng “gun-for-hire group” habang dala­wa nitong kasamahan ang nadakip sa naganap na pagsalakay ng mga awtoridad na nauwi sa engkuwentro sa Brgy. Hamurawon, Calbayog City, Samar nitong Miyerkules.

Sa inisyal na report ng pulisya, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 8 sa dalawang kasong murder laban sa suspek na si Carlito Magbutay alyas “Alas” nang kumasa sa mga alagad ng batas.

Pinaputukan agad umano ng suspek ang mga operatiba na papalapit sa kanyang tinutulayang bahay na naging dahilan ng engkuwentro.

Bulagta si Alas at na­samsam sa tabi ng bangkay nito ang AK47 na baril na may tatlong magazine at 84 na bala.

Arestado naman ang dalawang kasamahan ni Alas na kinilalang sina Ricky Medrano Casaljay at Reymart Rosini, na nakuhanan ng kalibre 45 na baril na may aabot sa 50 na bala.

Nakuha rin sa mga suspek ang fatigue uniform, bota at mga duyan na ginagamit umano nila sa kanilang illegal na aktibidad.

Lumalabas na ang grupo ni Alas ang itinuturong responsable sa pamamaril sa Brgy. Victory noong Abril 14 na ikinasawi ng dalawang tao kasama ang isang menor-de-edad.

AK47

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with