^

Probinsiya

4 motorsiklo nagkarambola: 2 patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 motorsiklo nagkarambola: 2 patay
Sa imbestigasyon nina Police Master Sergeant Israel Villela at Police Corporal Nikko Paul Barranco, may hawak ng kaso, ala-1:30 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente.
Philstar.com / Irish Lising, file

CAVITE , Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay kabilang ang driver ng isang motorsiklo makaraang mauwi sa karambola ang ginawang pag-counter flow nito sa kahabaan ng Brgy. Paradahan 1 sa bayan ng Tanza, dito, kahapon ng madaling araw.

Sa imbestigasyon nina Police Master Sergeant Israel Villela at Police Corporal Nikko Paul Barranco, may hawak ng kaso, ala-1:30 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente.

Minamaneho umano ng ‘di nakilalang driver ang Suzuki Raider 150 na kulay brown at mabilis na bumabagtas sa nasabing lugar nang biglang mag-counterflow umano ito.

Bunsod nito, nasalpok nito ang dala­wang motorsiklo na Honda Wave na may plakang DD37322 na minamaneho ni Aidrian Busilig, na nasugatan sa insidente at ang Yamaha Mio i125 na minamaneho naman ng isang Kurt Angelo Mojica.

Diretso pang sumalpok ang motorsiklo ng di kila­lang rider sa Honda Beat na may plakang 300OQK sanhi ng pagkasawi ng driver nito na si Ryan Del Rosario Austria, habang kritikal sa pagamutan ang angkas nito na si Rose Anne Velasco.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulis­ya sa insidente at upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng nasawing motorcycle driver na sanhi ng karambola.

vuukle comment

MASTER SERGEANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with