^

Probinsiya

Jeep nag-dive sa sapa: 3 patay, 6 sugatan

Doris Franche, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo ang patay kabilang ang dalawang menor-de-edad habang anim na iba pa ang malubhang nasugatan matapos na bumulusok sa sapa ang kanilang sinasakyang jeepney sa Sitio Matalhan, Brgy. San Nicolas sa Macalelon, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Macalelon Police ang mga nasawi na sina Alex Villaraza, 42, at ang dalawang minor na sina Markus Orillenida Ninobla at Noel Mael Orillenida III, pawang residente sa nasabing barangay.

Ginagamot naman sa Gumaca District Hospital dahil sa tinamong sugat sa kanilang katawan sina Noel Orillenida II, 41-an­yos, driver ng jeep; kapatid nitong si Nelanie Orille­nida, 36; isang itinago sa pa­ngalang Reggie, 16-anyos; Mark Anthony Abarico, 28; alyas Franjelo, 17-anyos, at Romnick Crespo, 24, pawang mga residente sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PStaff Sgt. Jaymar Peria, officer on case, bandang alas-5:00 ng hapon habang sakay ang mga biktima sa jeepney na may kargang mga bunga ng niyog at binabagtas ang bulubundukin at palusong na bahagi ng kalye nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang jeepney at tuloy-tuloy na bumaligtad at nag-dive sa sapa.

Namatay agad sa pinangyarihan ng aksidente ang dalawang bata dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang dead-on-arrival (DOA) si Villaraza.

Mabilis na sumaklolo ang mga tauhan ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa lugar, mga tauhan ng Macalelon Police at rescuers ng MDRRMO at tinulungan na maiahon ang mga biktima saka madala sa ospital ang mga sugatan.

vuukle comment

JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with