^

Probinsiya

Bangsamoro Senior Citizens Commission itatatag

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Cotabato City, Philippines — Nagsimula na ang deliberasyon ng Bangsa­moro parliament sa pagtatatag ng Senior Citizens Commission (SCC) sa rehiyon upang mapalawak ang serbisyo para sa sector na tututukan nito.

Ang manggagamot na si Kadil Sinolinding, Jr., isa sa 80 na kasapi ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang siyang may panukala ng pagtatatag ng SCC, sa pamamagitan ng Bangsamoro Transition Autho­rity Bill 121.

Sa isang pahayag nitong Martes, inanunsyo ng information office ng regional parliament ng BARMM na naisagawa na ang unang pagbasa at deliberasyon sa naturang panukala.

Dating health secretary ang doctor na si Sinolinding ng nabuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, napalitan ng BARMM taong 2019 bilang resulta ng usaping pangkapayapaan ng Malacañang at ng Moro Islamic Liberation Front.

Ilang mga kasapi ng BARMM parliament, kabilang na ang mga abogadong sina Paisalin Tago at Suharto Ambolodto, ang agad na nagpahayag ng suporta sa planong pagtatag ng SCC sa autonomous region.

Maliban sa pagi­ging parliament member, si Tago ang siyang namumuno ng Ministry of Transportation of Communications-BARMM.

vuukle comment

BARMM

SCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with