^

Probinsiya

Obrero tinagpas ang ulo ng kabaro habang tulog

Jennifer P. Rendon - Pilipino Star Ngayon
Obrero tinagpas ang ulo ng kabaro habang tulog
Ang biktima na namatay noon din sa kanyang higaan ay nakilalang si Ricky Pisaro, residente ng Brgy. Gines Interior, Cabatuan Interior.Cabatuan,Iloilo.
STAR/File

MANILA, Philippines —  Tagpas ang ulo at mga kamay ng isang 32-anyos na obrero nang pagtatagain ng kasama sa trabaho na umano ay may sakit sa pag-iisip naganap kahapon ng umaga sa Mandurriao,Iloilo City.

Ang biktima na namatay noon din sa kanyang higaan ay nakilalang si Ricky Pisaro, residente ng Brgy. Gines Interior, Cabatuan Interior.Cabatuan,Iloilo.

Ang suspek na hindi na tumakas matapos ang pagpatay at hinintay ang pagdating ng mga pulis ay nakilalang si Raffy Claudio,residente ng Barangay Damires, Janiuay, Iloilo.

Nabatid na ang da­lawa ay kapwa stay-in employees ng 3 Kings Lechon Manok na pag-aari ni Jero Hibionada sa Barangay Bakhaw Cabatuan, Iloilo.

Ayon kay Major Rey Sumagaysay, Iloilo City Police Station 5 chief, na si Claudio ay inatake ng bolo si Pisaro habang ito ay mahim­bing na natutulog.

Sa salaysay ng mga kapitbahay na nakarinig sila ng mga sigawan, alas-6:35 ng umaga sa nasabing tindahan.

Hinala ni Sumagaysay na unang tinaga ng suspek ang braso ng biktima kaya’t napasigaw ito sa sobrang sakit at hindi na nito kayang ipagtanggol ang sarili.

Nabatid na bagong trabahador lang ang suspek na nagsimula noong linggo habang ang biktima ay may isang buwan nang nagtatrabaho.

Ayon sa ina ng suspek na simula nang mamamatay ang tatay nito noong 2015 ng barilin ng pamangkin ay nagkaroon na ito ng  kakaibang kilos sa pag-iisip na  nagpapakita ng trauma sa pangyayari.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with