^

Probinsiya

3 dedo, 3 sugatan sa Bataan road mishaps

Bebot Sison Jr. - Pilipino Star Ngayon

ORANI, Bataan, Philippines — Tatlo ang patay habang tatlo pa ang sugatan sa magkasunod na aksidente sa daan sa lalawigan ng Bataan, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat, isang guro at tatlo ang sugatan nang makasalpukan ng kanilang sinasak­yang Toyota Vios (AKA 4013) ang paparating na fuel truck tanker ng Nextchem Company na may plakang NEO 4887 sa kahabaan ng Roman Highway, Brgy. Doña, Orani noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Police Colonel Romell Velasco, Bataan Police director, ang nasawi na si Ailene Dulay, 31, isang guro at residente ng Brgy. Pag-Asa, Mariveles, Bataan habang ang tatlong sugatan ay patuloy na ginagamot sa Jose Payumo District Hospital.

Sa bayan naman ng Dinalupihan, agad na nasawi ang motorcyle driver na si Joshua Garcia, 26, at angkas na SK kagawad ng Brgy. Sto. Niño na si Jayson Valmadrid, 26, ng Brgy. Sto. Niño; pawang sa naturang bayan.

Lumalabas na ang driver ng SUV Mazda na si Oliver Del Rosario, 26, ng Brgy. Saguin, Dinalupihan ay nawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa likurang bahagi ng motorsiklo ng mga biktima.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with