^

Probinsiya

‘Bugaw’ ng pinaslang na sex worker, pinugutan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Bangkay iniwan sa gitna ng kalsada

MANILA, Philippines — Natagpuang pugot ang ulo sa gitna ng kalsada ang isang lalaki na nagsilbi umanong “bugaw” ng isang sex worker na pinatay ng hinihinalang kustomer nito sa Talisay, Negros Occidental, kahapon.

Ang bangkay na walang ulo ay wala ring suot na pang-itaas na damit habang tadtad ng sugat sa likod at may mga pasa sa katawan na nakadapa at nakatali ng straw ang dalawang kamay sa likod.

Sa paghahanap ng mga awtoridad sa nawawalang ulo, agad rin itong natagpuan sa hindi kalayuan, hanggang sa makilala ang biktima na si Mario Demetrio ng Bacolod City.

Nauna rito, lumalabas sa imbestigasyon na si Demetrio ay ang bugaw umano ng isang Jovelyn Mahinay at nakatransaksiyon nila ang isang ‘di pa natutukoy na kliyente.

Kasunod nito, natagpuang patay si Mahinay sa Bacolod City noong Setyembre 8.

Si Demetrio sana ang itinuturing na “susi” sa krimen para matukoy ang nasabing kliyente na “person of interest” sa pagkamatay ni Mahinay, subalit bigla na lang siyang nawala.

Malaki ang posibilidad, anang pulisya, na isa lang ang pumatay sa naturang sex worker at kay Demetrio.

vuukle comment

SEX WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with