^

Probinsiya

5 bayan, 1 lungsod sa Bulacan wala nang active COVID-19 cases

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

LUNGSOD NG MALOLOS, Philippines — Masa­yang ibinalita ng health authorities na limang bayan at isang lungsod sa Bulacan na wala na silang naitatalang akti­bong kaso ng COVID-19.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), ang mga ito ay ang mga bayan ng Norzagaray, Balagtas, Guiguinto, Paombong at Plaridel at ang lungsod ng Meycauayan.

 Sa pinakahuling tala ng PHO, nasa 65 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya.

 Sa kabuuan umaabot na sa 109,419 ang kumpirmadong kaso sa lalawigan kung saan 107,668 ang nakarekober na habang 1,686 ang nasawi.

 Samantala, may 2,434,429 indibiduwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID, samantalang ­umabot naman sa 2,307,438 ang fully vaccinated na.

 Nasa 552,841 naman ang nabigyan na ng booster shot.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with