^

Probinsiya

Magsasaka at kabayo nilamon ng ilog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka at kabayo nilamon ng ilog
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erick Edora, 35, may-asawa ng nasabing barangay.
STAR/ File

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka habang hinahanap pa ang kanyang kabayo matapos na lamunin sila ng rumaragasang ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan,kamakalawa sa Barangay Ilayang Palsabangon sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erick Edora, 35, may-asawa ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon ay sakay ng kanyang kabayo ang biktima at tinangkang tumawid sa ilog habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan.

Subalit,dahil sa lakas ng agos ay kapwa tinangay ang mga ito.

Kahapon ng alas-10:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakasabit sa isang lambat.

vuukle comment

EDORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with