^

Probinsiya

Norwegian arestado sa ‘cybercrime’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Norwegian arestado sa �cybercrime�
Kinilala ni Talisay City Police Chief P/Lt. Col. Randy Caballes ang nasakoteng suspect na si Kenny Flashlight, 42-anyos ng R. Duterte Street, Brgy. Guadalupe, Cebu City.
STAR/ File

Nag-post ng hubad na larawan ng minor

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang Norwegian national makaraang arestuhin ng mga awtoridad sa paglabag sa “cybercrime” dahil sa reklamo ng isang tinedyer na ipinoste nito ang hubad na larawan sa social media sa lungsod ng Talisay, Cebu, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni Talisay City Police Chief P/Lt. Col. Randy Caballes ang nasakoteng suspect na si Kenny Flashlight, 42-anyos ng R. Duterte Street, Brgy. Guadalupe, Cebu City.

Ayon kay Caballes, ang dayuhan ay ­inireklamo ng ina ng biktima sa Talisay City Police Station matapos namang iposte ng huli ang mga hubad na larawan ng kanyang tinedyer na anak sa social media na labis na nagdulot dito ng trauma at kahihiyan ng kanilang pamilya.

Nagbanta pa umano ang suspect sa dalagita na marami pa siyang ipoposteng hubad nitong larawan.

Ayon sa ina ng bata, bunga ng insidente ay halos hindi na lumalabas ng bahay ang anak sa matinding kahihiyan matapos pagtsismisan sa kanilang lugar.

vuukle comment

RANDY CABALLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with