^

Probinsiya

2 pulis, mag-utol na trader utas sa shootout

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 pulis, mag-utol na trader utas sa shootout
Nakilala ang mga nasawi na sina Master Sgt. Fletcherlyn Dominic Pido, Staff Sgt. Arman Alquiza Bada, John Kevin Papna, 35, at Jerson Rey Papna, 26, may-ari ng kainan na “Kambingan”.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang pulis at dalawang negosyanteng magkapatid nang magbarilan habang isinisilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest kahapon ng madaling araw sa Barangay Bialong, Mlang, North Cotabato.

Nakilala ang mga  nasawi na sina  Master Sgt. Fletcherlyn Dominic Pido, Staff Sgt. Arman Alquiza Bada, John Kevin Papna, 35, at Jerson Rey Papna, 26, may-ari ng kainan na “Kambingan”.

Sa report na tinanggap ni  Police Regional Office-Soccsksargen director Brig.  Gen. Alexander  Tagum, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa harap ng JK Kambingan sa Purok 1 Barangay Bialong, M’lang.

Ihahain umano ng mga  pulis ang warrant of arrest  na inisyu ni  Regional Trial Court Branch 23 Judge Jose Tanalgo Tabosares ng Kidapawan City laban sa magkapatid  nang kumasa ang mga ito at magkaroon ng shootout.

Nagulantang na lamang ang mga residente sa sunud-sunod na mga putok ng  baril.  Nakita na lamang na nakabulagta na ang  dalawang pulis at magkapatid na  Papna matapos humupa ang barilan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

vuukle comment

PIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with