^

Probinsiya

Bunso sinakal ng alambre ni kuya, todas!

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 48-anyos na binata makaraang talian at sakalin ng tie wire o alambre ng kanyang sariling kuya matapos silang magtalo habang nag-iinuman ng alak sa Purok Zone 1, Barangay Camp Tinio ng lungsod na ito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Romulo Lumanlan Esguerra, 48, binata habang sumuko sa mga miyembro ng bantay-bayan ng nasabing barangay ang suspek na si Wilfredo, 52, binata; pawang residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, pasado ala-1 ng madaling-araw noong Lunes, nag-iinuman ang magkapatid nang bigla na lamang umanong sumiklab ang pagtatalo ng dalawa. Nagpambuno pa umano ang magkapatid hanggang sa makakuha ng alambre ang nakatatandang kapatid na siya nitong itinali sa leeg ng bunso nitong kapatid.

Dito na umano iniwan ng kuya ang kapatid upang matulog ngunit paggising ng suspek ay nagitla siya sa nakitang nakahandusay na kapatid na wala nang buhay.

Bandang alas-6 ng umaga nang agad na nagtungo sa kanilang barangay ang suspek at boluntaryong sumuko sa naka-duty na Brgy. Peacekee­ping Action Team (BPAT) members na sina Rommel Rosales at Bernard Reyes saka siya itinurn-over sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ALAMBRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with