^

Probinsiya

2 patay sa delivery truck na puno ng beer

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 patay sa delivery truck na puno ng beer
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Wilson Brosa, 21, ng Brgy. Canaway, driver ng motorsiklo at ang pedestrian na si Dionisio Bilaos, 50, ng Brgy. San Jose; pawang sa bayan ng Malilipot.
STAR/ Fil

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang motorcycle rider ang nasawi makaraang aksidente silang suwagin ng isang delivery truck na puno ng kargang beer matapos mawalan ng preno na ikinasugat pa ng dalawang katao sa San Francisco, Malilipot, Albay nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Wilson Brosa, 21, ng Brgy. Canaway, driver ng motorsiklo at ang pedestrian na si Dionisio Bilaos, 50, ng Brgy. San Jose; pawang sa bayan ng Malilipot.

Bunga ng insidente, pinagpiyestahan ng mga kalalakihan sa lugar ang nagkalat na mga beer at kanilang tinungga ang mga ito.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, alas-7:05 ng umaga,kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang Isuzu forward truck (WMS 871) na may kargang beer na minamaneho ni Armando Azurpado, 61-anyos nang mawalan umano ito ng preno.

Bunga nito, sinalpok ng truck ang Euro Permana 150 motorcycle na minamaneho ni Brosa at nasagasaan pa nito ang tumatawid na si Bilaos na pawang idineklarang dead-on-arrival sa Ziga Memorial Hospital at Berces Medical Center. Dalawa pa na nasa bisinidad ang nasugatan at kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in 2 counts of homicide, physical injuries at da­mage to property.— Jorge Hallare

vuukle comment

DALAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with