^

Probinsiya

Kolektor ng lending company inutas, perang dala tinangay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang 26-anyos na kolektor ng lending company matapos pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang suspek at kinuha pa ang dalang perang koleksyon sa Zone-6, Brgy. Bolao Balite ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Agad nasawi makaraang mapuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Reymark Sergio, may-asawa, collector ng Rean Ram Lending Corporation at residente ng Sitio Gogon, Brgy. Dugcal, Camaligan.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga galing sa pangongo­lekta sa Brgy. Cawaynan lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang highway patu­ngong Tinambac Proper nang pagdating nito sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang dalawang gunmen at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Agad kinuha ng mga suspek ang dalang sling bag ng napaslang na biktima na may lamang pera saka sila tumakas.

Nakuha ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

vuukle comment

PROPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with