^

Probinsiya

Rape suspect nang-agaw ng baril, bulagta sa parak

Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon
Rape suspect nang-agaw ng baril, bulagta sa parak
Kinilala ni P/Lt. Col. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok Police ang nasawing suspek na si Ronald Abaquita na umano’y suspek sa pagpaslang at panggagahasa sa biktimang si Althea Arcamo.
STAR/ File

POLOMOLOK, South Cotabato , Philippines — Patay ang isang lalaki na suspek sa panggagahasa sa isang 13-anyos na dalagita matapos umanong mang-agaw ng baril sa kanyang police escort habang ibinibiyahe pabalik sa Polomolok Police Station nitong Biyernes.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok Police ang nasawing suspek na si Ronald Abaquita na umano’y suspek sa pagpaslang at panggagahasa sa biktimang si Althea Arcamo.

Sa imbestigasyon, nakasakay ang suspek sa patrol car kasama ang ilang pulis at katatapos lang umanong sumailalim sa medical examination bago ipasok sa kulungan. Habang nasa biyahe ay bigla na lamang umanong nagpumiglas at tinangkang agawin ang baril ng pulis na umi-eskort sa kanya habang nakaposas kung kaya pinaputukan na.

Bago ang insidente, naaresto ng otoridad ang isa pang suspek na si Eduardo Abordo, 42, ng Ligtas Subd., Brgy. Cannery sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya nitong Hulyo 9 umaga.

Lumabas sa imbestigasyon na si Abordo at Abaquita ang huling kasama ng biktima na natagpuang patay sa isang taniman ng pinya sa lugar.

Nauna rito, nag-report pa umano si Abordo sa isang police outpost sa lugar tungkol sa natagpuan nitong bangkay sa nasabing lugar. Hindi naman itinanggi ni Abaquita na nasaksikhan nito ang pagpaslang sa biktima subalit iginiit nitong ang kasamahan niya ang gumahasa rito. 

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with