^

Probinsiya

Evacuees sa Batangas isasailalim sa RT-PCR test

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Evacuees sa Batangas isasailalim sa RT-PCR test
Ayon kay Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, at Deputy Chief for Administration P/Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, handang tumulong ang Office of Civil Defense (OCD)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sa pagsasailalim sa RT-PCR testing ng mga evacuees na kasalukuyang nananatili sa mga evacuation cen­ters sa Batangas.
Ted Aljibe/AFP

Para ma-isolate ang positibo sa COVID-19

MANILA, Philippines — Bukod sa pagbabakuna laban sa COVID-19, isasailalim sa swab test, Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) ang nasa mahigit tatlong libong residente sa Batangas na inilikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, at Deputy Chief for Administration P/Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, handang tumulong ang Office of Civil Defense (OCD)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sa pagsasailalim sa RT-PCR testing ng mga evacuees na kasalukuyang nananatili sa mga evacuation cen­ters sa Batangas.

Layunin ng RT-PCR test sa mga evacuees na matukoy ang nagtataglay o positibo sa virus at agad silang ma-isolate.

Kasabay nito, siniguro ni Vera Cruz na “COVID-free” ang mga pulis na dineploy sa Batangas para tumulong sa mga naapektuhan ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Vera Cruz na sumasailalim sa regular na RT-PCR testing ang mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office (PRO)-3 at PRO-4A Calabarzon.

Pinaalalahanan naman ni Vera Cruz ang mga pulis na naka-deploy sa Batangas na maging maingat din at istriktong obserbahan ang health protocols upang makaiwas sa pagkahawa ng sakit.

Sa tala, nasa 3,788 katao na ang nasa mga evacuation centers at ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak sa Batangas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Batay naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 2,565 katao o 709 pamilya ang lumikas ngunit hindi nanatili sa evacuation center.

Ang Batangas Provincial Police Office ang kasama sa mga nagpatupad ng paglilikas sa mga residenteng apektado ng  volcanic eruption mula sa Agoncillo, Laurel, Taal, Lemery, Balete, Cuenca, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Talisay City, at Tanauan City.

Nabatid na 77 barangay ang apektado ng kasalukuyang aktibidad ng bulkan. Suspendido rin ang klase sa 23 lokal na pamahalaan sa Calabarzon.

vuukle comment

RT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with