^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa lady executive, sumuko

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpatay sa lady executive, sumuko
Kinilala ni Police Captain Abdulsalam Mamalinta, hepe ng Police Station 4 ng GenSan City Police Office, ang suspek na si Ralph Gerald Sorabia alyas “Rap-rap”, 27 at empleyado ng Global Dynamic Star Security Agency na pagmamay-ari rin ng Brigada Group.
STAR/ File

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Sumuko na sa otoridad ang umano’y suspek sa pamamaslang sa chief of staff ng Brigada Group of Companies sa lungsod na ito, ka­makalawa.

Kinilala ni Police Captain Abdulsalam Mamalinta, hepe ng Police Station 4 ng GenSan City Police Office, ang suspek na si Ralph Gerald Sorabia alyas “Rap-rap”, 27 at empleyado ng Global Dynamic Star Security Agency na pagmamay-ari rin ng Brigada Group.

Ayon sa hepe, sumuko ang suspek sa awtoridad upang linawin ang kanyang pangalan matapos maging isa sa mga “person of interest” sa naturang krimen.

Pero si Sorabia ang itinuro ng testigo na bumaril kay Yentez Quintoy noong Hunyo 4, 2021 dakong alas-12 ng tanghali sa NLSA Road, Barangay San Isidro ng lungsod habang pauwi ang biktima para mananghalian.

Ayon kay Mamalinta, may hidwaan na ang da­lawa, isa na rito ang pagpapaalis sa suspek sa tinutuluyan nitong boar­ding house na pagmamay-ari ng biktima na siyang naging motibo sa krimen.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder at kasalukuyang nasa kustodya ng pulisya.

Matatandaang, mismong si Brigada CEO Elmer Catulpos ang nag-alok ng P1 milyong pabuya sa sinumang makakapagbigay ng matibay na impormas­yon kaugnay sa pagkakakilanlan ng suspek at iba pang sangkot sa naturang pamamaril.

vuukle comment

SUMUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with