^

Probinsiya

Kilabot na ASG lider naaresto

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kilabot na ASG lider naaresto
Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt.Gen. Corleto Vinluan, rumesponde ang tropa ng MBLT-6 sa pamumuno ni Lt. Col. Venjie Pendon sa ulat hinggil sa presensiya ng mga armadong grupo sa nasabing barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-6 (MBLT-6) ang isang sugatang Abu Sayyaf Group (ASG) leader matapos ang isang sagupaan sa  Barangay Kalupag Island, Languyan, Tawi-Tawi, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt.Gen. Corleto Vinluan, rumesponde ang tropa ng MBLT-6 sa pamumuno ni Lt. Col. Venjie Pendon sa ulat hinggil sa presensiya ng mga armadong grupo sa nasabing barangay.

Sakay sa navy vessel si Col. Nestor Narag, deputy Brigade Commander ng 2nd Marine Brigade at patungo sa nasabing lugar na bigla na lamang silang ­pinaulanan ng bala.

Dito na umigting ang sagupaan na kung saan nasapul si Sulu based ASG/KFRG leader Majan Sahidjuan,alias Apo Mike.

Ayon kay Pendon, inabandona na si Sahidjuan ng kaniyang grupo na bitbit ang kanilang bihag na mga Indonesians.

Hinimok naman ni Vinluan ang mga residente sa Tawi-Tawi na manatiling kalmado at magtiwala sa mga otoridad.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

HULI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with