^

Probinsiya

2 galing sa court hearing niratrat

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 galing sa court hearing niratrat
Sa ulat, alas-10:30 ng umaga ay sakay ng motorsiklo ang mga biktima matapos dumalo sa isang court hearing sa lungsod ng Kidapawan at pagdating nila sa nasabing lugar ay niratrat sila ng mga suspek na nag-aabang sa kanila.
STAR/ File

MAKILALA, North Cotabato , Philippines — Patay ang dalawang katao makaraang pagbabarilin ng apat na armadong suspek, kamakalaawa ng umaga sa Purok Avocado, Barangay Libertad, ng bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi  na sina sina Jhoven Barbarona Pagsuguiron, 42, may-asawa, barangay tanod, ng Tulunan at Jona Guillermo Rafael, 45,may-asawa, isang magsasaka ng bayan ng Arakan.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga ay sakay ng motorsiklo ang mga biktima matapos dumalo sa isang court hearing sa lungsod ng Kidapawan at pagdating nila sa nasabing lugar ay niratrat sila ng mga suspek na nag-aabang sa kanila.

Tinangay ng mga suspek ang belt bag at sling bag ng mga biktima at tumakas lulan ng kanilang get-away vehicle na Honda XRM.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.Patuloy namang tinutugis ang mga suspek ng otoridad.

vuukle comment

KALIBRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with