^

Probinsiya

2 kelot dedo sa motor crash

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —  Hindi na umabot sa bagong taon ang dalawang rider habang isa pa ang sugatan matapos masangkot sa magkahiwalay na road crash ang kanilang motorsiklo sa Alicia, Isabela at Bantay, Ilocos Sur noong Miyerkules.

Sa report ng pulisya, mabilis na tinatahak ni Joe Lhan Labuguen, 25, ang highway ng Brgy. Mabini, Alicia nang salpukin niya ang van na kumaliwa upang magpagasolina dakong alas-10:40 ng umaga.

Dead-on-arrival sa isang pribadong ospital si Labuguen habang isinailalim sa kustodya ng awtoridad ang drayber ng van na si Senando Rueda Jr., 38, matapos ang insidente.

Sa bayan ng Bantay, nawalan naman ng preno ang motorsiklo ni Jayvee Etrata, 20, habang angkas nito ang nobyang si Jenifer Villanueva, 18, sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Taleb sanhi upang masalpok niya ang isang drai­nage canal dakong alas-2:40 ng hapon.

Patay na nang mairating si Etrata sa Metro Vigan Hospital kung saan ginagamot sa mga natamong bali at sugat ang angkas na kasintahan.

vuukle comment

KELOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with