^

Probinsiya

Matataas na armas nasabat ng militar

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO , Philippines — Nasabat ng tropa ng 40th Infantry “Magiting” Battalion sa ilalim ng 6th Infantry (Kampilan) Division ang 11 na matataas na kalibre ng armas sa isinagawang focused military operation (FMO) laban sa armed lawless group na gumagala sa Brgy. Bulod, General SK Pendatun, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa ulat kay Major Gen. Juvymax Uy, commander ng 6-ID at Joint Task Force Central, nagsagawa ng operasyon ang tropa ng 40th IB laban kay Kumander Mac4, nang kanilang masabat ang malalakas na armas na posibleng iniwan ng mga tumakas na grupo.

Ayon naman kay Lt. Col. Rogelio Gabi, commanding officer ng 40th IB, kabilang sa mga armas na nasabat nila ay isang RPG, isang Barrett, isang M79, isang M14, dalawang M16, apat na 7.62mm AR16, isang sub-machine gun 9mm M10 at ilan pang war materials.

Nakatakas si Mac4 nang ilunsad ng mga sundalo ang FMO sa Sitio Balayman, Brgy Langa­panen, Sultan Sabarongis malapit lamang sa bayan ng GSKP nitong linggo.

vuukle comment

GENERAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with