^

Probinsiya

13-anyos estudyante tepok sa kidlat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
13-anyos estudyante tepok sa kidlat
Kinilala ang biktima na si Andrey John Macsog Araneta, Grade VII, estudyante ng Maria Clara Lobregat National High School at idineklarang dead-on-arrival sa Min­danap Cantal Sanitarium Hospital dahil sa grabeng pagkasunog sa kanyang kaliwang balikat.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 13-an­yos na high school student makaraang masapol ng kidlat sa Brgy. Boalan, Zamboanga City nitong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Andrey John Macsog Araneta, Grade VII, estudyante ng Maria Clara Lobregat National High School at idineklarang dead-on-arrival sa Min­danap Cantal Sanitarium Hospital dahil sa grabeng pagkasunog sa kanyang kaliwang balikat.

Sa report, sinabi ni P/Capt Edwin Duco, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)9, nangyari ang insidente sa Zone 3, Sitio Tala, Brgy. Boalan, Zamboanga City dakong alas-12:30 ng hapon. Sa gitna ng malakas na ulan, sumilong ang biktima sa ilalim ng puno ng sampalok kasama ang kaibigang si Carlo pero ilang minuto pa ay biglang kumidlat nang malakas.

Ang kidlat ay sumapol sa katawan ng biktima kung saan ang insidente ay nasaksihan ni Maricor Eugenio na ‘di kalayuan ang kinatatayuan sa kina­roroonan ng magkaibigan.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with