^

Probinsiya

Motor vs truck: Sekyu dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang security guard nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na truck habang bumabagtas sa highway ng Brgy. Tulay B, Maragondon, dito kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa opsital ang biktimang si Felix Jr. Javier, 24, residente ng Brgy. Talipusngo, Maragondon.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng trak na si Dave Harvie Anciado, 29, may asawa ng Brgy. Lumima, Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Juviel G. De Leon, alas-11:35 ng umaga habang bumabagtas sa highway sakay ng Honda Wave ang biktima nang mag-overtake siya sa sinusundang sasakyan dahilan upang masakop nito ang kabilang lane ng kalsada. Nagkataong paparating ang Isuzu truck 1600 ni Anciado kung kaya hindi na nakaiwas ang biktima at malakas na sumalpok sa trak kaya wasak ang motorsiklo habang halos malasog ang huli.

vuukle comment

FELIX JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with