^

Probinsiya

Lady trader itinumba ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lady trader itinumba ng tandem
Dead-on-the-spot ang biktimang si Marivic Manu Tan, nasa hustong gulang, dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas ang dalawang di kilalang salarin matapos ang krimen.
STAR/ File

RIZAL, Philippines  - Patay ang isang ginang na negosyante nang pagbabarilin ng dalawang di kilalang lalaki habang nakatayo sa harapan ng kanyang sari-sari store sa Antipolo City kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Marivic Manu Tan, nasa hustong gulang, dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas ang dalawang di kilalang salarin matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, alas- 6:30 ng umaga habang nakatayo lamang ang biktima sa harapan ng kanyang sari-sari store sa Unit 4, Pagrai Hills, Brgy. Mayamot nang bigla na lang dumating ang mga suspek at kaagad siyang pinaulanan ng bala.

Kahit sugatan, nagawa pa ng biktima na makatakbo at makapasok sa loob ng tindahan upang magtago ngunit sinundan pa siya ng isa sa mga suspek at binaril sa ulo upang tiyaking hindi na makakaligtas pa.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang tumakas ang mga suspek, lulan ng isang abu­hing Sedan na di naplakahan patungo sa direksiyon ng Marcos Highway.

Sa rekord ng pulisya, ang biktima ay complainant sa isang murder at frustrated murder case na isinampa noong Disyembre 2019 sa Balagtas, Batangas at iniimbestigahan kung may kinalaman ito sa krimen.

vuukle comment

TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with