^

Probinsiya

‘Tulak’ todas sa shootout

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines  – Patay ang isa umanong tulak ng droga matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa inilunsad na anti-drugs operation sa Brgy. Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, dito sa lalawigan kamakalawa.

Kinilala ni Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station chief P/Major Romel Dela Vega ang napaslang na si Aladin Odin Sangcupan, 37-anyos, may asawa at residente ng Barangay Dados ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Dela Vega, kabilang ang suspek sa mga personalidad na nasa kanilang drug watchlist at matapos magpositibo sa case surveillance ay agad nilang ikinasa ang buy-bust na nagresulta ng engkuwentro sa pagitan ng suspek at mga operatiba nang matunugan na pulis ang kanyang katransaksyon, alas-10:00 ng umaga.

Masuwerte at walang tinamaan sa mga pulis samantalang nagtamo ng maraming tama sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek na naisugod pa sa Danaig District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.

Nakuha sa pag-iingat ni Aladin ang isang medium size at 9 small size ng plastic sachet ng shabu na nasa 5 gramo at may DDB value na P30,000, isang bundle ng pera na ginamit sa buy-bust, isang 45 caliber pistol na may nakasuksok na magazine at may laman na isang bala at isang armalite riffe na may magazine at mga bala.

vuukle comment

DATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with