^

Probinsiya

Rapist ng 11-anyos PWD bulagta sa shootout

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines —- Patay ang isang adik na kabilang sa drug watchlist at itinuturong responsable sa panggagahasa sa isang 11-anyos na babaeng PWD makaraang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya kamakalawa sa Barangay Isabang ng lungsod na ito.

Naisugod pa sa Lucena United Doctors Hospital (LUDH) pero idineklarang patay ang suspek na si Michael Zafranco, 26, panadero, may live-in partner at residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa salaysay sa Womens and Children’s Desk Section ng Lucena Police ng biktimang itinago sa pa­ngalang Aida, Grade 3 SPED pupil, naglalaro siya sa labas ng kanilang bahay dakong alas-5:00 ng hapon nang sapilitang isama ng suspek sa tabing ilog. Pinaghihipuan umano siya sa maseselang parte ng kanyang katawan saka ginahasa. Binigyan pa ng P20 ng suspek ang biktima upang hindi magsumbong sa magulang gayunman nang makauwi sa kanilang bahay ay napansin ng pamilya na tulala. Nang usisain, dito sinabi ng bata ang kabuhungang ginawa sa kanya ng suspek.

Nang makarating sa kaalaman ni P/Lt. Col. Romulo Albacea ang pangyayari ay agad niyang inatasan ang mga tauhan na dakpin ang suspek. Naabutan ang suspek sa loob ng panaderya at nang tangkaing pasukuin ay nagpaputok umano ng kalibre 38 hanggang sa duguan bumulagta nang gantihan ng mga awtoridad.

vuukle comment

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

MICHAEL ZAFRANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with