^

Probinsiya

Van vs truck: 3 patay, 6 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Van vs truck: 3 patay, 6 sugatan
Ang mga nasawing biktima ay sina Gerlie Abing ng Pagadian City; dead-on-the-spot sa insidente habang hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sina Marlon Benitez, 26, teller, residente ng Palawan ng Pitogo, at Daylinda Lapinig ng Payao; pawang taga-Zamboanga Sibugay.
STAR/File

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong katao habang anim ang sugatan matapos suwagin kamakalawa ng isang humahagibis na truck ang isang pampasaherong van sa kahabaan ng national highway sa Sitio Dupol, Brgy. Bagumbang, Bonifacio, Misamis Oriental.

Ang mga nasawing biktima ay sina Gerlie Abing ng Pagadian City; dead-on-the-spot sa insidente habang hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sina Marlon Benitez, 26, teller, residente ng Palawan ng Pitogo, at Daylinda Lapinig ng Payao;  pawang taga-Zamboanga Sibugay.

Patuloy namang nila­lapatan ng lunas sa pagamutan ang anim pang pasahero ng van na sina Theresa Lasaca, Mark Cesar Borja, Rhia­na Marie Ebcay, Danilo Balumaaga, Fredo Villamor at Parami Ebcay.

Sa ulat, nangyari ang sakuna sa kahabaan ng national highway ng Sitio Dupol, Brgy. Bagumbang, Bonifacio ng lalawigang ito bandang alas -11:55 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, bumabagtas sa lugar ang isang kulay puting pampasaherong Toyota Hi-Ace van, may temporary plate #103210  na minamaneho ni Cris Brillo, 33 taong gulang nang mabangga ito ng Jinah heavy truck (NBT-2519) na nakare-histro kay Dominique Lim, negos­yante at minamaneho ni Erick Conja, 35-anyos, pagsapit sa nabanggit na lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nasawi ang tatlong pasahero habang sugatan ang anim na iba pa at masuwerte namang tanging galos lamang sa katawan ang tinamo ng iba pa sa mga pasahero.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with