^

Probinsiya

Trader dedo sa duelo vs kagawad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trader dedo sa duelo vs kagawad
Sa ulat ni Batangas Provincial Police Office (PPO) director P/Col. Edwin Quilates, kinilala ang nasawi na si Reymundo Endozo, 36, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar. Siya ay idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Calaca sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ File

BATANGAS, Philippines — Patay ang isang negosyante makaraang makipagduwelo sa isang barangay kagawad sa naganap na barilan sa Brgy. Sinisian, Calaca, Batangas  nitong Martes ng hapon.

Sa ulat ni Batangas Provincial Police Office (PPO) director P/Col. Edwin Quilates, kinilala ang nasawi na si Reymundo Endozo, 36, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar. Siya ay idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Calaca sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang ilang oras, boluntaryo namang sumuko ang suspek na si Brgy. Kagawad Manuel del Rosario alyas “Konsehal Manny”, 44, ng Sitio Metal, Brgy. Caluangan, Calaca.

Sa ulat, ala-1:30 ng hapon habang nasa SR Marz Gas Station ang kagawad nang dumating ang biktima at sinuntok ang una sa likuran ng ulo nito sanhi ng komosyon. Nagawang makatakbo ang kagawad pero sinundan ng biktima na may dalang armas. Kasunod nito, nagduelo na ang dalawa gamit ang kani-kanilang cal. 45 pistol kung saan ay nagmintis ang unang putok na pinakawalan ng biktima. Sinamantala naman ito ng kagawad at pinagbabaril ang kalaban saka nagmamada-ling tumakas.

Isa sa mga sinisilip na anggulo sa krimen ay ang lumang alitan ng suspek at biktima.

vuukle comment

. EDWIN QUILATES

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with