^

Probinsiya

Amok: Suspek tigok, 3 bata sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Amok: Suspek tigok, 3 bata sugatan
Patuloy na inoobserbahan sa Masbate Provincial Hospital ang mga biktima na itinago sa mga pangalang Jeric, 9-anyos, Yorolly, 8-an-yos at Yorene, 12-an-yos; mga kamag-anak umano ng napaslang na suspek na kinilalang si Henry Manlapaz Bello; pawang residente ng nasabing barangay.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Tatlong bata ang isinugod sa ospital matapos na maghuramentado ang isang 48-an-yos na mangingisda na sinasabing may sakit sa pag-iisip na nasawi makaraang barilin ng isang residente sa Sitio Cagcombong, Brgy. Lipata, Baleno, Masbate kamakalawa.

Patuloy na inoobserbahan sa Masbate Provincial Hospital ang mga biktima na itinago sa mga pangalang Jeric, 9-anyos, Yorolly, 8-an-yos at Yorene, 12-an-yos; mga kamag-anak umano ng napaslang na suspek na kinilalang si Henry Manlapaz Bello; pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5 ng umaga, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang naghuramentado ang suspek habang armado ng itak. Pinagtataga nito ang mga bata sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan dahilan para kumuha naman ng baril ang isang residente na si Rudy Villanueva at pinagbabaril ang suspek hanggang sa patay na bumulagta.

Tumakas si Villanueva makaraang mapaslang niya si Bello.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at tinutugis na si Villanueva na sasampahan ng kasong pagpatay sa suspek.

vuukle comment

HENRY MANLAPAZ BELLO

RUDY VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with