^

Probinsiya

Grade 7 stude ginahasa, ginilitan ng katiwala

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Grade 7 stude ginahasa, ginilitan ng katiwala
Patay na habang may laslas sa leeg nang madatnan ng kanyang ina ang 12-anyos na Grade 7 student na umano’y ginahasa bago pinatay ng isang 32-anyos na matador na si Jordan Banalnal makaraang pasukin ang biktima sa loob ng kanilang bahay noong Huwebes ng madaling-araw sa Angeles City.
Gary Bernardo

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 12-anyos na Grade 7 student matapos gahasain at ginilitan sa leeg ng katiwalang matador sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Lourdes Northwest, dito sa lungsod nitong Huwebes ng madaling-araw.

Naliligo sa sariling dugo habang nakadapa nang madatnan ng kanyang ina ang biktima na si Elmira Herman, residente ng 3140 Jesus St., Brgy. Lourdes Northwest, Angeles City.

Naaresto naman sa ope­rasyon ng pulisya ang suspek na nakilalang si Jordan Banalnal, 32-anyos, chicken butcher, residente ng Purok 4, Brgy. Amsic, Angeles City at sinasabing katiwala sa negosyo ng magulang ng biktima.

Sa report sa tanggapan  ni Angeles City Police Station 2 Commander P/Maj. Fercel Deloria, wala nang buhay at may laslas sa leeg ang dalagita nang madatnan ng kanyang inang si Jinky, 39-anyos.

Sa imbestigasyon, naga­nap ang insidente sa pagitan ng pasado alas-3 ng mada-ling-araw hanggang alas-12 ng tanghali habang wala ang magulang ng biktima sa kanilang bahay.

Sa pahayag ni Jinky sa pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang umalis siya sa kanilang tahanan ka­sama ang live-in partner na si Marlon Mejarito, 30-anyos ng F. Manalo St. Brgy. Lourdes Northwest; kapwa chicken vendor sa palengke upang magtinda ng karne ng manok habang naiwang mag-isa   ang anak na si Elmira.

Habang nasa trabaho, napansin ni Jinky ang kani-lang kasamahan o katiwala na si Banalnal na umalis sa puwesto dakong alas-3 ng madaling-araw ng Huwebes na hindi naman nito karaniwang ginagawa.

Sinabi ni Jinky na nang umuwi siya sa bahay ng alas-12 ng tanghali ng nasabi ring araw ay laking paghihinag-pis nito nang madatnan ang anak na nakadapa sa higaan at patay na.

Inireport ni Rodel De Dios, Barangay Ex-O sa Police Station 2 dakong alas-3 ng hapon ang karumal-du-mal na insidente kaya mabilis na nagresponde ang mga kagawad ng SOCO sa lugar.

Sa pangunguna ni Deloria, sa direktang superbisyon ni Col. Joyce Patrick Sa-ngalang, CD-ACPO ay agad na nagsagawa ng operas­yon laban sa hinihinalang suspek na si Banalnal.

Ayon sa mga pulis, si Ba­nalnal ang nakita na huling nakasama ng biktima sa loob ng nasabing bahay, na umaming ginahasa niya ang bata bago niya pinatay. 

Nadakip ang suspek sa kanyang tirahan at narekober dito ang patalim na ginamit sa pagkatay sa biktima at ang damit ng una na may mga patak ng dugo.

vuukle comment

KRIMEN

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with