^

Probinsiya

5 ‘tulak’ utas sa Bulacan buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
5 �tulak� utas sa Bulacan buy-bust
Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte police kay P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan Police Director, kinilala ang apat sa limang napatay na suspek na sina Ricardo Salazar; Ryan Gambao; Romy Fajar­do; Arnel De Mata habang inaalam ang pagkakakila-nlan ng isa pang tulak.
STAR/ File

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan , Philippines – Limang tulak ang ‘di na umabot sa pagsalubong ng 2020 matapos umanong manlaban at mapatay ng mga pulis kahapon ng madaling araw sa magkakasunod na buy-bust operation sa nasabing siyudad.

Sa ulat na ipinadala ni  P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte police kay P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan Police Director, kinilala ang apat sa limang napatay na suspek na sina Ricardo Salazar; Ryan Gambao; Romy Fajar­do; Arnel De Mata habang inaalam ang pagkakakila-nlan ng isa pang tulak.

Napatay si Salazar at ang kasama nito dakong alas-2:00 ng madaling araw sa isinagawang drug buy-bust ng pulisya sa Brgy. Sto. Cristo. Nabawi sa kanila ang isang cal .38 revolver, isang sumpak, isang glass pipe, 21 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Sina Gambao at Fajar­do naman ay napatay sa isinagawang buy-bust ops sa Brgy. Tungkong Mangga dakong ala-1:20 ng mada-ling at nabawi sa kanila ang isang cal .38 revolver at 13 plastic sachet ng shabu habang si De Mata ay napatay dakong ala-1:30 ng madaling sa Brgy. Gaya-gaya sa buy-bust operation. Narekober dito ang 17 plastic sachet ng shabu, sumpak at buy-bust money.

vuukle comment

EMMA LIBUNAO

ORLANDO CASTIL JR

RICARDO SALAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with