^

Probinsiya

Bus swak sa bangin: 42 sugatan

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bus swak sa bangin: 42 sugatan
Pahirapan ang pagkuha ng mga rescuer sa mga pasahero ng Eagle Star bus na nahulog sa bangin na masuwerteng walang nasawi sa mga sakay nito sa Matnog, Sorsogon kahapon.
PNP photo

MANILA, Philippines — Apatnapu’t dalawa katao ang himalang bahagyang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Hidhid, Matnog, Sorsogon nitong Lunes ng umaga.

 Sa ulat ng Sorsogon Police, dakong alas-9:50 ng umaga, kasalukuyang bumabagtas sa naturang lugar ang Eagle Star bus na may body number 8168 na minamaneho ni Felix Calipes, 52-anyos ng Pob­lacion, Calbayog City nang biglang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver bunsod upang tuluy-tuloy na bumulusok pababa at mahulog ito sa may 20 metrong lalim na bangin na ikinasugat ng mga sakay nito.

 Agad namang sumaklolo ang rescue team at isa-isang naiahon sa bangin ang mga pasahero saka mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan.

 Nabatid na galing Maynila at patungo sa Matnog, Sorsogon ang bus nang maaksidente habang nagmamani­obra sa pakurbadang matarik na highway.

Isinailalim na sa kustodya ng Matnog Police ang driver ng bus para sa kaukulang disposisyon habang patuloy ang im­bestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

BUS

HULOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with