^

Probinsiya

4-anyos patay sa 2-feet kiddie pool

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
4-anyos patay sa 2-feet kiddie pool
Sa report kay City Chief of Police Lt. Colonel George Cablarda, isinama ng kanyang ama ang batang si Kasandra Kate Caronan, residente ng Ugac Norte, Tuguegarao City sa pagtitipon at night swimming ng mga katrabaho nito sa Cagayan Valley Medical Center sa Chateau Leonor Resort sa Brgy. Caggay at iniwan niya ang anak sa may 2-feet na lalim na pool na may dalawa ring paslit na nagtatampisaw dakong alas-7:45 ng umaga.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Phillipines — Nasawi ang isang 4-anyos na batang babae matapos malunod sa kiddie pool ng isang resort habang abala sa kasiyahan ang kanyang ama sa mga kasamahan sa trabaho sa Brgy. Caggay ng lungsod na ito noong Sabado.

Sa report kay City Chief of Police Lt. Colonel George Cablarda, isinama ng kanyang ama ang batang si Kasandra Kate Caronan, residente ng Ugac Norte, Tuguegarao City sa pagtitipon at night swimming ng mga katrabaho nito sa Cagayan Valley Medical Center sa Chateau Leonor Resort sa Brgy. Caggay at iniwan niya ang anak sa may 2-feet na lalim na pool na may dalawa ring paslit na nagtatampisaw dakong alas-7:45 ng umaga.

Ayon sa report, lingid sa kaalaman ng ama na natagpuan na lamang ng mga tao sa resort na wala nang ulirat na nakahilata ang anak sa pool makalipas ang 15 minuto. Agad na binigyan ng CPR ng mga sumaklolo ang biktima saka isinugod sa sa Roland Guzman Medical Center subalit idineklara ang bata na dead-on-arrival.

Sinisiyasat ng mga awtoridad ang mga lifeguard sa resort kung bakit hindi nila napuna ang pagkalunod ng bata habang pinag-aaralan ang isasampang kaso laban sa resort dahil sa kapabayaan.

vuukle comment

DIVE

PATAY

POOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with