^

Probinsiya

Brodkaster sugatan sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Brodkaster sugatan sa ambush
Sa ulat ni Police Lt. Col. Ariel Acala, officer-in-charge ng Tagum City Police, kinilala ang biktima na si Paterno Lucero Pacquiao, 54-anyos, isang broadcaster at may-ari ng 99.9 RPFM na nagsisilbi ring provincial information officer at residente ng Purok White Dove, Brgy. Visayan ng nasabing lungsod. Siya ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
File

MANILA, Philippines — Isang brodkaster at may-ari ng isang FM radio ang nasugatan makaraang tambangan ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem sa Tagum City, Davao del Norte nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Ariel Acala, officer-in-charge ng Tagum City Police, kinilala ang biktima na si Paterno Lucero Pacquiao, 54-anyos, isang broadcaster at  may-ari ng 99.9 RPFM na nagsisilbi ring provincial information officer at residente ng Purok White Dove, Brgy. Visayan ng nasabing lungsod. Siya ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:06 ng umaga, kagagaling lamang ng biktima sa kanyang programa sa radyo at papasok na sa gate ng kanilang tahanan lulan ng kanyang kulay puting Ford Eco Sport (NAT 5458) sa Purok White Dove, Brgy. Visayan sa lungsod nang pagbabarilin ng mga armadong suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang likuran at sa kabila na sugatan ay nagawa nitong paharurutin ang kanyang sasakyan palayo sa lugar kaya nagawang makaligtas sa mga suspek. Samantalang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek lulan ng kulay puting Yamaha XTZ motorcycle patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober ng mga nagrespondeng mga pulis ang isang cartridge ng nadepormang bala ng cal .45 pistol na isasailalim pa sa pagsusuri ng Davao del Norte Police Crime Laboratory.

Ayon sa biktima, naniniwala siyang may kinalaman sa kanyang pagbira sa kanyang programa sa radyo ang motibo ng pagtatangka sa kanyang buhay.

vuukle comment

BRODKASTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with