^

Probinsiya

7-anyos na nawawala, ginahasa at pinatay ng adik

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
7-anyos na nawawala, ginahasa at pinatay ng adik

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang Grade-2 pupil na babae na isang linggo nang nawawala matapos na gahasain at patayin ng hinihinalang kapitbahay na adik matapos na matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang masukal na bahagi ng Purok 4 Suwa, Bgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte noong Miyerkules.

Bandang alas-4:00 ng hapon nang matagpuan sa madamong bahagi, may 1-kilome­trong layo sa bahay ng kanyang lola ang bangkay ng biktima. Nakitaan ng sugat sa katawan ang bata na posibleng pina-lo ng matigas na bagay sanhi ng kamatayan nito at pinaniniwalaang ginahasa rin.

Kuwento ng lola, nagtungo siya sa bukid para manguha ng gulay subalit hindi niya napansin na sumunod pala sa kanya ang apo, hanggang sa hindi na ito nakauwi ng bahay.

Isang lalaki na kani­lang kapitbahay ang “person of interest” ang isinailalim ng pulisya sa interogasyon matapos na huli siyang nakitang kasama ang bata.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with