^

Probinsiya

Lady engineer pinasok, tinadtad ng 15 saksak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Lady engineer pinasok, tinadtad ng 15 saksak
Sa imbestigasyon, nagpasaklolo pa ang inhinyera at naabutan siyang naliligo sa sariling dugo ng mga kapitbahay habang nakita naman nila ang isang tao na tumatakas, pasado alas-9:00 ng gabi.
File

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 41-anyos na babaeng engineer matapos na 15 beses na sinaksak ng ‘di kilalang mga suspek na pumasok sa kanyang bahay sa Brgy. Benetiz, Banga, South Cotabato noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Banga Chief of Police, Major Joseph Forro III ang biktima na si Nidalyn Rendon, 41-anyos, at residente ng nasabing lugar. Siya ay nagtamo ng 15 malalaki at malalalim na saksak sa katawan na isinugod pa sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.

Sa imbestigasyon, nagpasaklolo pa ang inhinyera at naabutan siyang naliligo sa sariling dugo ng mga kapitbahay habang nakita naman nila ang isang tao na tumatakas, pasado alas-9:00 ng gabi.

Sa tantya ni Forro, posibleng hindi lang iisang tao ang may kagagawan sa krimen. Maaari umanong nakapasok ang mga suspek sa pamamagitan ng pagsira ng grills sa bahay ng biktima. Isa sa mga sinisilip sa krimen ay maaaring may kinalaman sa negosyo o trabaho ng biktima.

Nauna rito, ang mga trabahador ng biktima sa kanyang hardware ay nakaalitan ng una hanggang sa makatanggap na siya ng pagbabanta sa buhay. Ito ay matapos na magkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at mga obrero hinggil sa nawawalang semento sa hardware bago pa man nangyari ang krimen.

 

vuukle comment

LADY ENGINEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with