^

Probinsiya

Ina tsinap-chop, isinilid sa maleta ng anak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ina tsinap-chop, isinilid sa maleta ng anak
Sa report ng Zamboanga City Police, kinilala ang biktima na si Amy Roda Villareal Nur Del Birut, may-asawa at residente sa Purok 1, Alas-as., Brgy. Sinunuc, Zamboanga City.
File

MANILA, Philippines — Putul-putol na ang katawan at nakasilid sa isang malaking maleta nang matagpuan sa damuhan ang isang 72-anyos na ina matapos na tadtarin ng samurai ng sariling anak na adik na napaslang din ng mga awtoridad sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Sinunuc, Zamboanga City kamakalawa ng hapon.

Sa report ng Zamboanga City Police, kinilala ang biktima na si Amy Roda Villareal Nur Del Birut, may-asawa at residente sa Purok 1, Alas-as., Brgy. Sinunuc, Zamboanga City.

Nakilala naman ang na­patay na suspek na si Dondie Al Sharif Nur Del Birut, 46-an­yos, binata da­ting security guard na natanggal sa trabaho.

Ang pagkakatagpo sa putul-putol na katawan ng matanda ay inulat sa Zamboanga Police Station 8 ng lupon ng barangay na si Ali Amsani, 52-anyos dakong alas-3:45 ng hapon.

Sa pahayag ng mga kapitbahay ng biktima na sina Fatima Ismael, 39, at Hulma Sapie, 47, alas-2 ng hapon nang makita nila ang suspek na may dalang malaking bag at samurai papunta sa damuhan ng bakanteng lote kung saan natagpuan ang ina nito na na-chop-chop.

Nang rumesponde ang mga pulis sa lugar, nakita nila ang suspek sa labas ng kanilang bahay na may hawak na samurai at patalim. Dito humingi ng tulong ang mga pulis sa mga opisyal ng Brgy. Sinunuc at sa pamilya ng biktima upang kumbinsihin ang suspek na sumuko.

Gayunman, tumanggi ang suspek at halos hindi nito makilala ang mga kapamilya. Agad na kinordon ng pulisya ang lugar dahil sa pagbabanta ng suspek na mananakit pa. Habang isinasagawa ang negosasyon, nakalapit ang operatiba ng Mobile Force Company sa una pero tumangging sumuko hanggang sa tumakbo papasok sa kanilang bahay.

Sinubukan pa ng mga pulis na pahupain ang suspek pero inatake umano sila ng samurai at patalim kaya napilitan na nilang paputukan na kanyang ikinabulagta.

vuukle comment

CHOPCHOP

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with