^

Probinsiya

Dalaga inutas ng binasted na manliligaw

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na tama ng bala ang kumitil sa buhay ng isang 22-anyos na dalaga makaraang pagbabarilin ng lala-king manliligaw na kanyang binasted sa Seaside Marlboro Lower Calarian, Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi.

 Kinilala ang biktima na si Aliya Moore, residente ng Logoy Grande, Talon-Ta-lon ng lungsod na ito habang ang suspek na tumakas matapos ang krimen ay si Aladin Asadil, ng Lower Calarian sa naturang siyudad.

 Sinabi ni P/Major Helen Galvez, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 8, nangyari ang insidente bandang alas-8:10 ng gabi, ilang minuto lamang matapos na umakyat ng ligaw ang suspek sa biktima.

 Sa imbestigasyon, lumalabas na binasted ng dalaga si Asadil na masugid nitong manliligaw nitong Huwebes ng gabi dahil may iba na siyang sinisinta.

 Gayunman, ilang minuto matapos na matigilan ang suspek at hindi matanggap ang kabiguan sa pag-ibig ay bigla na lamang siyang bumunot ng baril at pinaputukan ng sunud-sunod ang dalaga.

 Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa krimen.

 Nagawa namang maisugod sa Brent Hospital ang biktima na noong una ay nasa kritikal na kondisyon. Sa kanyang “dying declaration”, naituro pa nito ang suspek at kinunan siya ng thumbprint ng mga imbestigador sa presensya ng kaibigan nitong si Arwida Mocaram Pulok bago siya binawian ng buhay makalipas ang ilang minuto.

 

vuukle comment

DALAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with