^

Probinsiya

P2-M retirement ng pulis tinangay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P2-M retirement ng pulis tinangay
Sa ulat ng Buhi Police, dumalo sa isang birthday party ang dating pulis na ‘di pa tinukoy ang pangalan at ipinarada nito ang kanyang SUV malapit sa bahay ng kaibigan pero nang kanyang balikan ay nawawala na ang backpack na may lamang P2 milyon na retirement benefits na tinanggap sa pagiging pulis.
File Photo

BUHI, Camarines Sur, Philippines — Gumuho ang mundo ng isang retiradong pulis matapos na matangay ng ’di kilalang mga kawatan ang kanyang pinaghirapang retirement pay na umaabot sa mahigit P2 milyon sa loob ng kanyang sasakyan kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Buhi Police, dumalo sa isang birthday party ang dating pulis na ‘di pa tinukoy ang pangalan at ipinarada nito ang kanyang SUV malapit sa bahay ng kaibigan pero nang kanyang balikan ay nawawala na ang backpack na may lamang P2 milyon na retirement benefits na tinanggap sa pagiging pulis.

Kasama rin sa nawawala sa loob ng sasakyan ay ang kanyang wallet na may lamang P25,000 cash. Sa pagsisiyasat, walang nakitang pinuwersa ang sasakyan upang mabuksan at hindi rin basag ang salamin nito.

Lumalabas na naiwan umano ng dating parak ang kanyang sasakyan na nakabukas na sinamantala ng mga magnanakaw.

vuukle comment

RETIREMENT PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with