^

Probinsiya

Crane operator nilamon ng ilog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines –Isang crane operator ang nasawi matapos tangayin ng agos at lamunin ng ilog sa lalawigan ng Quirino kamakalawa. Nakilala ang biktima na si Christopher Cornelio, 40, at residente ng Janet Extension, Tandang Sora, Quezon City. Sa imbestigasyon ng pulisya, patawid noon ang biktima sa bahagi ng Bucao Bridge sa Barangay Keat, Nagtipunan, nang tangayin siya ng rumaragasang agos ng ilog dahil sa pagtaas ng tubig bunsod ng malakas na ulan. Agad naman na nagtulung-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente para marekober ang bangkay ng biktima.

 

vuukle comment

CRANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with