^

Probinsiya

2 miyembro ng drug group timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 miyembro ng drug group timbog
Kinilala ng Tanza Police ang mga suspek na sina Carlito Casuelo at Mark Delos Santos, mga residente ng nasabing lugar.

CAVITE , Philippines  —  Arestado ang dalawang umano’y miyembro ng bigtime drug syndicate sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, ng lalawigan.

Kinilala ng Tanza Police ang mga suspek na sina Carlito Casuelo at Mark Delos Santos, mga residente ng nasabing lugar.

Sakay pa ng isang kotse ang dalawang suspek nang masabat ng pulisya habang isinasagawa ang buy-bust. Nakuha sa kanilang pag-iingat ang may 50 gramo mg shabu at drug money. 

Sinabi ni P/Sr. Supt  William Segun, director ng Cavite Provincial Police, na ang dalawang suspek na kumikilos sa lalawigan ng Cavite ay ang nagsu-supply ng droga sa mga tulak at ang lungsod ng Dasmariñas ang may pinakamalaki nilang binabagsakan. 

Ang suspek na si Ca­suelo ay may mga na­kabinbing kasong pagpatay at tangkang pagpatay.

vuukle comment

DRUG SYNDICATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with