^

Probinsiya

10-wheeler tumaob: Pahinante durog

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
10-wheeler tumaob: Pahinante durog
Wasak na wasak ang 10-wheeler truck na ito nang tumaob makaraang mawalan ng preno na ikinasawi ng naipit na helper habang malubhang nasugatan ang driver nito sa Brgy. Poblacion, Makilala, North Cotabato kahapon. (Kuha ni Rhoderick Beñez)

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Patay ang isang pahinante habang sugatan ang kasamang drayber matapos na tumaob ang sinasakyan nilang 10-wheeler truck nang mawalan ng preno sa gilid ng national highway sa hangganan ng Sitio Patulangon, Malasila at Purok 11-B, Brgy. Pob­lacion, Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing helper na si Dionesio Sibag at ang sugatang drayber ng truck na si Marcelino Salvacion, 59; kapwa ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Makilala Police chief, P/Major Johhny Rick Felongco Medel, posibleng pu­malya ang preno ng truck na may kargang malalaking sako ng semento sa pakurbadang daan hanggang sa tumaob ito pasado alas-5:00 ng umaga.

Kapwa naipit ang drayber at helper ng truck sa tumaob na sasakyan. Unang na-rescue ng mga residente ang drayber at isinugod sa ospital habang pahirapan ang pagkuha sa naipit na nasabing helper na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

vuukle comment

10-WHEELER TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with