^

Probinsiya

2 timbog sa buy-bust

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  —  Kalaboso ang dalawa katao na sinasabing mag-parnter sa pagtutulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Digman sa bayan ng Bacoor, sa lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasakoteng suspek ay sina Edward Loyola alyas “Wawa”, 31, company driver; at Esperanza Home­res alyas “Fe”, 57, isang manikurista; pawang nasa drug watchlist ng pulisya. 

Sa ulat ng pulisya, isang buy-bust ang kanilang inilatag laban sa dalawang suspek matapos ang sunud-sunod na reklamo laban sa mga ito hinggil sa talamak at lantarang pagbebenta ng droga sa kanilang lugar. Isang pulis ang tumayong scorer at nakipag-transact sa mga suspek.

Nang matanggap na ng scorer ang binili sa mga suspek, dito na sinunggaban ang mga ito ng mga nakakubling kapulisan.

Nakuha mula sa mga ito ang pitong sachet ng shabu na aabot sa P30,000 ang street value.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with