^

Probinsiya

4 ‘pusher’ bulagta sa shootout

Joy Cantos, Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na pinaghihinalaang notoryus na drug pusher ang napaslang makaraang mauwi sa shootout ang buy-bust operation sa Brgy. Sta Teresa, Manapla, Negros Occidental nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Brigadier General John Bulalacao, dakong alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang anti-drug operatives ng Manapla Police laban sa grupo ni Alson Aguirre na isang kilalang drug pusher sa Hacienda Bariw, Brgy. Sta Teresita sa bayang ito.

 Gayunman, nakatunog ang mga suspek na undercover agent ng pulisya ang kanilang ka-deal kaya agad bumunot ng armas at nagpaputok.

 Sumablay ang unang putok ng mga suspek at mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba. Sa kasagsagan ng shootout, isa-isang tumimbuwang ang mga suspek pero tanging si Aguirre pa lamang ang natutukoy ang pagkakakilanlan. 

Narekober sa ope­rasyon ang isang M16 rifle, isang KG 9, isang cal. 45 pistol at hindi pa madeterminang dami ng shabu. 

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with