^

Probinsiya

12-anyos boy scout nalunod

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Sa Provincial Jamboree camping

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Patay ang isang 12-anyos na boy scout matapos malunod habang nagtatampisaw sa lawa na nasa loob ng kanilang camping site sa ginaganap na Provincial Jamboree sa Barangay Zitanga, Ballesteros, Cagayan noong Linggo.

Kinilala ni Sr. Insp. Gilbert Danga, hepe ng Balles­teros Police ang nasawi na si Vince Iringan, anak ng kanilang Scout Master na si Vicente Iringan at isang Grade 6 pupil sa Solana Elementary School.

Ayon sa report, nagtulong-tulong ang mga rescue worker, mga guro at magulang upang hanapin ang bata na nilamon ng tubig sa malalim na bahagi ng lawa dakong alas-12:40 ng tanghali.

Matapos ang mahigit isang oras, nakuha rin ang bata na kaagad isinugod sa Ballesteros District Hospital pero idineklarang patay ng mga doktor.

Sinisiyasat ng mga awtoridad kung may kapaba­yaan ang mga organizer
ng scouting activity sa nangyaring trahedya.

vuukle comment

BOY SCOUT

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with