^

Probinsiya

7 ‘Baklas Bubong’ bulagta sa shootout!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
7 �Baklas Bubong� bulagta sa shootout!
Sinisiyasat ng rumespondeng SOCO team ang mga ebidensyang narekober matapos na mapatay ng mga pulis ang pitong umano’y miyembro ng Baklas Bubong Gang sa engkuwentro sa Agoncillo, Batangas kahapon ng madaling araw.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Pitong pinaghihina­laang miyembro ng “Bak­las Bubong” robbery gang  ang napatay makaraang kumasa at makipagbarilan umano sa mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Banyaga, Agoncillo, Batangas nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ni Calabarzon Director P/Chief. Supt. Edward Carranza, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng mga operatiba ng pulisya at mga suspek na kasalukuyan pang inaalam ang kanilang pagkakakilanlan.

Ang Baklas Bubong robbery gang ay responsable umano sa mga nakawan sa mga feed mills sa Batangas at mga karatig lugar.

Ang modus operandi ng mga suspek ay ang baklasin ang bubong ng mga establisimyento, mga bahay at iba pa na kanilang dadaan para magnakaw.

Nauna rito, umiwas sa checkpoint ng pulisya ang mga suspek lulan ng kulay puting Toyota Hi Ace van (TTH-344) sa bayan ng Laurel at binangga pa ang signage dito saka mabilis na pinaharurot ang kanilang behikulo sanhi upang habulin ng mga operatiba sa direksyon ng Agoncillo.

Dahil dito, ipinag-utos ng Agoncillo Police ang lockdown sa lugar. Nang malapit nang maabutan ang mga suspek sa Brgy. Banyaga ay agad nilang pinaputukan ang mga pulis sanhi ng shootout.

“Sinasalubong nila yung isang mobile pa­trol ng Agoncillo at doon ?pinutukan nila yung Mahindra patrol natin, so nagkaroon ng palitan ng ?putok. So neutralized ‘yung 7. Mayroong limang baril doon nandun din yung mga gamit nila sa pagbaklas ng bubong,” ayon naman kay Batangas Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Edwin Quilates.

Narekober sa lugar ang limang baril na gamit ng mga suspek, electrical grinder at cutting tools sa loob ng behikulo.

vuukle comment

BAK­LAS BUBONG

ROBBERY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with