2 tinedyer dedo sa motor crash
NUEVA ECIJA , Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang teenager na lalaki makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang concrete barricade sa harap ng isang sikat na fastfood chain sa kahabaan ng Gapan-Peñaranda Road sa Brgy. San Vicente, Gapan City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga kapwa estudyanteng biktima na sina Bernabe Kyle Taningco, 18, ng Brgy. San Vicente, Gapan City, at Lenard Ivan Llarena, 17, ng Barangay Malapit, San Isidro, ng lalawigan.
Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw sakay ang dalawang biktima ng motorsiklong Yamaha Mio na walang plaka at binabagtas ang lugar patungo sa silangang direksyon nang aksidente nilang mabangga ang kongkretong harang. Dahil sa tindi ng pagkakasalpok, kapwa tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo at katawan na kanilang agad na ikinamatay.
- Latest